Tuesday, February 15, 2011

My Mother is on Facebook. Lol!

Pandagdag friend din sa facebook ang nanay mo, tatay, kapatid at iba pang miyembro ng pamilya mo. lol. May facebook din ang nanay ko katulad ng ibang mga ina. Natatandaan ko ako ang gumawa ng account ng nanay ko sa facebook. Tuwang tuwa ako kase may regular na naglalike ng mga status at pictures ko. Ang gaganda ng mga comments, walang negativity syempre nanay mo eh. Nung mga panahon na yun ang laki ng pakinabang ko sa account ng nanay ko, syempre uso pa FARMVILLE nun, pag kailangan ko ng gifts sa farm ko ioopen ko lang account nya, in just one click may gift na ko. Haha! Pag may negative comments sa picture ko or sa post ko pinagtatanggol nya ako. Pero dati yon, ngayon iba na! Hahahaha. Iba na, kase I'm in a hidden mode on my mother's news feed kaya di nya nakikita mga posts ko unless pupunta sya sa wall ko para tignan pero hindi naman ganun ang nanay ko. Nagtataka siguro kayo kung bat hinide ko ang posts ko sa news feed ng nanay ko.

Eto ang mga dahilan:

1.) Masyadong ma-comment:
          -Alam mo yung tipong kahit wala ng masabe basta makapag comment lang? Ganun si mama! Hahaha! bagets na bagets ang dating. Mahilig din sya sumagot ng mga tanong sa posts ko kahit hindi naman sya ang tinatanong. Pasaway! lol

2.) Nababasa ang di dapat mabasa:
          -Aminin mo, pag may gimik or lakad ka sineset mo yon as your status. Hehe! Syempre kadalasan sa mga gimik ko patakas, yari pag nabasa ng nanay ko di ba?! Eto pa, minsan may mga bagay-bagay din na ayaw mong mabasa ng nanay mo kase nahihiya ka, katulad ng kacornyhan mo dahil sa pag-ibig. Open ako sa nanay ko pagdating sa buhay pag-ibig ko pero minsan mas maganda kung hindi nya lang mabasa yung mga yun ;p

3.) Nakikita ang di dapat makita:
           -May mga pagkakataon talaga na kahit anung palusot mo hindi sila maniniwala dahil sa mga nakita nya na PICTURES! Hahaha. Badtrip di ba?

4.) Pinapangaralan ako sa mga posts ko:
          -Hindi pagiging negative ang pagpapangaral pero wag naman sana ibroadcast sa facebook di ba? lol Napangaralan na nga ng nanay, nakantsawan pa ng barkada. tsk, tsk! :)

KAYA MAS MAGANDA NANG NAKAHIDDEN MODE AKO SA NEWS FEED MO INAY! :)
ilove you mama! pasaway lang talaga ko, maintindihan mo na sana yun. Matanda na ko. ^^,

No comments:

Post a Comment